1.) Paano Nabuo Ang Salitang Panitikan?, 2.)Ano Ang Katangian Ng Katutubong Panitikan?, 3.)Paano Nabuo Ang Karunungang Bayan?

1.) Paano nabuo ang salitang panitikan?

2.)Ano ang katangian ng katutubong panitikan?

3.)Paano nabuo ang karunungang bayan?

Answer:

1. Paano nabuo ang salitang panitikan?

Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.

2. Ano ang katangian ng katutubong panitikan?

  • Nagsasalaysay ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba't ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
  • Ang katutubong panitikan ay sumasalamin sa mga magagandang kaugalian, kultura at tradisyon na kaiba sa ibang lahi.
  • Nang dahil sa katutubong panitikan, naipapabatid ang sariling kahusayan sa gayundin ang ating mga kapintasan at kahinaan upang maging daan ng pagpapabuti at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga tao.  
  • Ang katutubong panitikan ay isa ring paraan sa pagtuklas ng sariling talino at kasanayan.
  • Ang katutubong panitikan ay nagbabatid rin ng magaganda at mahuhusay na mga akda na kapupulutan ng mahahalagang aral tungkol sa pgpapahalaga at pagmamalasakit sa kapwa.
  • Ang katutubong panitikan ay nagpapabatid at nagpapakita ng pagiging isang tunay na Pilipino na marunong magmahal sa sariling kultura at magmalasakit sa sariling panitikan.

3. Paano nabuo ang karunungang bayan?

  • Ang karunungang bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan ito ay nagiging daan upang maipahayag at maipabatid ang mga ideya at kaisipan na nabibilang sa bawat kultura at tradisyon ng mga tao.  
  • Ang karunungang bayan ay nakakatulong sa pag-angkin ng kamalayang tradisyunal na nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural.
  • Ang karunungang bayan ay sumasalamin sa magagandang kaugalian ng ibat ibang tribo at lahi.
  • Naipapabatid ang sariling kahusayan, mga kapintasan at kahinaan upag maging daan sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng kakayahan ng isang tao gayundin, natutuklasan ang sariling talino at kasanayan.
  • Ang karunungang bayan na isang bahagi ng panitikan ay nagpapabatid at nagpapakita ng pagiging isang tunay na Pilipino na marunong magmahal sa sariling kultura at magmalasakit sa sariling panitikan.  

Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa mga link na nasa ibaba:

Iba pang Kahulugan ng Panitikan: brainly.ph/question/122170

Dalawang Uri ng Panitikan: brainly.ph/question/121203

#LetsStudy


Comments

Popular posts from this blog

When Does A Snail Sleep?

How To Compute The Distance Of The Epicenter From Each Of The Stations Using This Formula?, D=Td Over 8 Seconds Multiply 100 Km?

Activity 3: > Getting To Know Yo, What Is The Nth Term For Each Sequence Below?, 1. 3, 4, 5, 6, 7, ..., 2. 3, 5, 7, 9, 11, ..., 3. 2, 4, 8, 16, 32, ..